Duterte sa NTF: Mahabang pila sa vax site dapat tugunan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Task Force (NTF) laban sa Covid-19 nitong Lunes upang matiyak ang kaligtasan ng mga tumatanggap ng mga bakuna.

Sa kanyang pang-anim at panghuling State of the Nation Address (SONA), inatasan ni Duterte ang task force na tugunan ang mga alalahanin sa mga lugar ng pagbabakuna, kabilang ang mahabang pila at pagpapa-antay sa mga tao ng maraming oras bago mabakunahan.

I thus call on the National Task Force Against Covid-19 to see to it that this happens — I mean the protection,” aniya. “The Filipino does not deserve it even if they are not paying taxes. Because the theory of government is that all money belongs to the people and the money is there, it belongs to all of us and it should be used for public good.

Inihayag ni Duterte ang kanyang pagkalungkot nang makita ang mga Pilipino na nahihirapan upang mabakunahan lamang laban sa Covid-19.

Iminungkahi niya na maghanap ang gobyerno ng mga paraan upang matiyak ang maayos na pagpapatakbo ng Covid-19 vaccine drive.

Sinabi rin niya na magbigay ng mga kard sa mga taong pupunta sa mga sentro ng pagbabakuna at gumamit ng mga maluluwang na pasilidad tulad ng gymnasium at mga paaralan upang matugunan ang mahabang pila.

Why do you have to do it to the Filipino? You can always, you know, maghanap ka ng,” saad ni Duterte. “We have spent enormous amounts of resources to build our capacities to overcome this pandemic. We cannot afford more lockdowns lest our economy bleeds to the point of irreversible damage.

Inilabas ni Duterte ang bagong direktiba matapos ipahayag ang pag-aalala tungkol sa pagkakaroon ng Delta variant, na “mas agresibo at mas mapanganib” kaysa sa orihinal variant.

Hinimok ni Duterte ang mga LGU sa paunang naitala na Talk to the People noong Sabado ng gabi na magkaroon ng isang “mas makatuwiran” na proseso ng pagbabakuna sa pamamagitan ng pagbibigay ng ligtas at tuyong lokasyon ng pagbabakuna para sa mga Pilipino.

Sa pagtatapos ng taon, layunin ng gobyerno na mabakunahan ang 70% ng populasyon ng bansa upang matiyak ang proteksyon ng mga mamamayan.

Mula noong Hulyo 25, nasa 11,113,107 katao ang nakatanggap ng kanilang unang dosis, na may 6,089,314 bilang ng ganap nang nabakunahan.

LATEST

LATEST

TRENDING