
MANILA – Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo R. Duterte noong Lunes na ang matagal nang pagtatalo ng Pilipinas sa China sa West Philippine Sea (WPS) ay malulutas lamang sa pamamagitan ng negosasyong diplomatiko at “hindi sa puwersa”.
Sinabi ito ni Duterte habang sinisiguro ang publiko na hindi niya ibibigay ang WPS sa China.
“We need to do more in our partners. We continue scaling our maritime domain awareness, defense capabilities. Yet, we will not close our doors for diplomacy because that is how disputes are settled and never by force,” sinabi niya sa kanyang ikaanim at huling State of the Nation Address (SONA).
Ang Pilipinas ay nagwagi sa kaso laban sa China sa harap ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa The Hague, Netherlands, noong Hulyo 12, 2016, nang idineklara ng korte na ang sinasabing makasaysayang mga karapatan ng Beijing sa halos buong South China Sea, kasama na ang WPS, ay labag sa konstitusyon.
Patuloy na binabalewala ng China ang desisyon ng 2016 PCA, habang ang Pilipinas ay humingi ng isang mapayapa at diplomatikong resolusyon sa isyu sa teritoryo.
Gayunman, inamin niya na hindi niya mapipilit na kilalanin ng China ang naging desisyon na mas pabor sa Pilipinas.
“What will I do with a document that (does) not bind China because they were never a part of that arbitration? There was really no arbitration at all because it was only the Philippines’ side,” aniya. “Well and good, but ito ngayon (now) that there is the arbitral ruling, you know, I do not want to insult these people pushing me for something (that is) more than what I can handle.”
Walang digmaan laban sa China
Kinumpirma din ni Duterte ang kanyang paninindigan na hindi niya kailanman aatasan ang kanyang hukbo na umatake sa China.
Sinabi niya na ang Pilipinas ay hindi makipag-digmaan sa China dahil wala ito ng kinakailangang sandata upang maipagtanggol ang WPS.
“It would be a massacre if I go and fight a war now. We are not yet a competent and able enemy of the other side. So, what I did was I was just being nice to them,” wika ni Duterte.
Hindi tumatanggap ng pera para sa pansariling kita
Itinanggi din ni Duterte na tumatanggap siya ng pera mula sa China para sa pansariling kapakanan, tulad ng sinabi ng ilan.
Sinabi niya na hindi siya kailanman humingi ng pera mula sa China upang manalo sa kanyang pagkapangulo.
“For some people to say that I was helped by China in being president, these idiots really, I will never, never do that. Hindi na bale akong hindi mag-presidente. Hindi ko talaga gagawin ‘yun. To be what? Receiving money from China to buy votes?” sinabi niya.
Sinabi pa ni Duterte na may pagkakataon lamang siyang makausap ang Pangulo ng China na si Xi Jinping pagkatapos lamang na siya ay nahalal bilang pangulo.
“Hindi ako tinulungan ng China. Nag-usap kami, let’s say civilly but after election. And after election, I was a good friend of President Xi. Until now. When the pandemic struck, the first country I called for help was China,” wika niya.
‘Tunay’ na kaibigan
Sinabi ni Duterte na ang China ang unang bansa na tumulong sa Pilipinas sa gitna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) outbreak.
Binigyang diin niya na dapat niyang gantihan ang kabaitan ng China sa pamamagitan ng pagiging “totoong” kaibigan nito.
“‘Pag may utang na loob ako sa’yo, you can be sure of it, I will be your friend, a true friend, and die for you,” pahayag ni Duterte.
Gayunpaman, sinabi ni Duterte na ang Pilipinas ay hindi na gagawa ng mga desisyon o magsasagawa ng mga hakbang “sa mga anino ng mga dakilang kapangyarihan”.
Idinagdag niya na, habang siya ay magpapatuloy na makisalamuha sa lahat ng mga bansa, sa paglutas ng mga isyu, “ang batas ay dapat mananaig”.
“Make no mistake rather, gone are the days when the Philippines decides and acts in the shadows of great powers. We will assert what is rightfully ours and fight for what is rightfully due to the Filipino people,” saad ng Pangulo.





