
MANILA – Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pang-anim at panghuling state of the nation address (SONA) nitong Lunes na ang tanging paraan upang mapuksa ang katiwalian ay ang ganap na pagtanggal ng gobyerno.
Inilarawan ni Duterte ang katiwalian sa buong gobyerno bilang “endemik”, at inaming hindi pa niya ganap na natatanggal sa gobyerno ang mga hindi tapat na opisyal at manggagawa.
“Corruption, it’s endemic in government. You cannot stop corruption. Nobody can stop corruption unless you overturn the government completely,” saad niya.
Sinabi niya na mababago lamang ng kanyang kahalili ang sistema kung idideklara nito ang batas militar at tanggalin ang “lahat” sa gobyerno.
“If I were the next president if you think there’s really a need for you to change everybody in the system, then you declare martial law and fire everybody and allow the new generation to come in to work for the government,” wika niya.
Sa kabila ng mga pagkukulang sa paglaban sa katiwalian, sinabi ni Duterte na ang kanyang administrasyon ay nakagawa ng makabuluhang hakbang sa paglulunsad ng transparency at pananagutan sa gobyerno.
“We also issued the order on Freedom of Information [that] opens up the records, transactions, decisions and issuances of all government agencies. In relation to this, we also have the Presidential Anti-Corruption Commission that is tasked to run after corrupt and erring government officials and bring them to justice,” dagdag niya.
Sa maraming talumpati, inamin ni Duterte na hindi masosolusyunan ang kurapsyon sa isang gabi.
Gayunpaman, pinuri niya ang pag-usad ng gobyerno sa pagtanggal sa mga tiwaling opisyal at empleyado.
Nagtaguyod siya ng isang mega task force noong 2020 upang siyasatin ang katiwalian sa buong gobyerno, na nakatuon sa Department of Public Works and Highways at sa Bureau of Customs.
Noong 2016, nagtatag din ang administrasyong Duterte ng 24-oras na national public hotline bilang sumbungan ng mga mamamayan ng hindi magandang serbisyo at hindi etikal na pag-uugali mula sa mga ahensya ng gobyerno.
Nagbibigay din ang hotline ng pag-access sa mga national and local emergency service provider.