Nagpo-protesta sa SONA hinimok, sumunod sa health protocol o itigil ang rally

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang mga nagpoprotesta sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes ng hapon ay sinabihan na sundin ang mga health protocol dahil ang hindi pagsunod dito ay sapat na dahilan upang ipatigil ang rally.

“Ang guideline ko ay susunod sila sa health protocols kasi pagka hindi ‘yan masunod, isang ground ‘yan para pa-stop natin ang ginagawa nilang rally,” sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Habang ang mga rally ay hindi pinahihintulutan sa National Capital Region dahil sa general community quarantine (with heightened restrictions), pinapayagan ang mga kilos protesta sa Batasan Complex, kung saan ibibigay ni Duterte ang kanyang talumpati.

Ayon kay Año, pinapayagan ang mga nagpoprotesta na ipahayag ang kanilang mga sarili sa mga kalye ngunit dapat nilang sundin ang mga pamantayan sa kalusugan tulad ng pagsusuot ng mga face mask at mga face shield at dapat na mahigpit na sumunod sa physical distancing.

Hindi bababa sa 15,000 mga pulis ang na-deploy upang protektahan ang SONA ni Duterte. Gagamitin sa kaganapan ang ilan sa mga bagong body-worn cameras ng pulisya.

LATEST

LATEST

TRENDING