Travel ban sa Thailand, Malaysia ipinataw dahil sa Delta variant

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inanunsyo ng Malacañang nitong Biyernes na simula ngayong Hulyo 25, ang mga manlalakbay mula sa Thailand at Malaysia ay bawal na pumasok sa Pilipinas dahil sa banta ng Delta variant.

President Rodrigo Roa Duterte approved the travel restrictions for all travelers coming from Malaysia and Thailand or those with travel history to Malaysia and Thailand within the last 14 days preceding arrival in the Philippines,” sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang pahayag.

Ayon kay Roque, ang travel ban na ipinataw sa mga pasahero mula sa Thailand at Malaysia ay magkakabisa mula Hulyo 25 hanggang 31.

Sinabi niya na ang mga manlalakbay na bumibiyahe mula sa dalawang bansa sa loob ng 14 na araw mula sa kanilang pagdating, pati na rin ang mga darating bago ang Hulyo 25, ay maaaring payagan na pumasok sa bansa.

Gayunpaman, kinakailangan nilang sumailalim sa 14 na araw na quarantine kahit na sila ay nag negatibo sa swab test.

This action is undertaken to prevent the further spread and community transmission of Covid-19 variants in the Philippines,” saad ni Roque.

Ang mga bansang napapailalim na sa travel ban ay ang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman.

Ang mga Pilipino na bahagi ng repatriation operation o mga special commercial flight ay hindi nasasakop ng mga paghihigpit sa paglalakbay, aniya.

But they have to follow the prescribed testing and quarantine protocols,” dagdag pa niya.

Ang Pilipinas ay nakapagtala ng 12 bagong kaso ng Delta Covid-19 variant noong Huwebes, na ngayon ay umabot na sa 47 kabuuang bilang ng mga kaso.

Ang Delta variant ay nagdudulot ng mga bagong pagsiklab sa lugar ng Asya-Pasipiko, kabilang ang Timog-silangang Asya.

Nakitaan ng pagtaas sa mga kaso sa Malaysia at Thailand dahil sa Delta variant, na naiulat sa bawat bansa ang higit sa 13,000 na mga kaso noong Hulyo 22.

Ang Delta coronavirus variant, na unang napansin sa India, ay napatunayang 60% higit na nakahahawa kaysa sa variant ng Alpha at pinaniniwalaang dahilan ng pagdagsa ng mga kaso sa ibang mga bansa.

Nabatid ng mga dalubhasa sa medisina na ang isang taong nahawahan ng Delta variant ay maaaring makahawa sa lima hanggang walo katao.

Hinimok ni Duterte noong Lunes ang mas mahigpit na mga hakbang sa kalusugan bilang paghahanda sa posibleng lokal na pagkalat ng “mas agresibo at nakamamatay” na Covid-19 Delta variant sa bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING