NCR, 4 na probinsya inilagay sa ilalim ng GCQ ‘with heightened restrictions’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inanunsyo ng Malacañang nitong Biyernes na ilalagay sa mas mahigpit na uri ng general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila at apat pang mga rehiyon kasabay sa pagdami ng kaso ng Delta variant sa bansa.

Ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases’ (IATF-EID) na magpataw ng mas mahigpit na GCQ sa Metro Manila, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Davao de Oro, at Davao del Norte mula Hulyo 23 hanggang 31.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang Metro Manila ay dapat sumunod sa mga regulasyon sa kalusugan at quarantine para sa mga lugar na nasa mas mahigpit na uri ng GCQ.

The same IATF rules would be observed when NCR was previously under GCQ with heightened restrictions,” wika ni Roque sa isang pahayag.

Ang Metro Manila na napailalim sa mas mahigpit na GCQ mula Hulyo 1 hanggang 15, ay una nang inilagay sa regular na GCQ mula Hulyo 16 hanggang 31.

Samantala, ang Davao de Oro at Davao del Norte ay paunang isinailalim sa mas mahigpit modified enhanced community quarantine (MECQ), habang ang Ilocos Norte at Ilocos Sur ay inilaan na sumailalim sa modified GCQ (MGCQ) hanggang sa katapusan ng Hulyo.

Sumang-ayon si Duterte na ibaba ang status ng quarantine ng Davao del Sur mula GCQ sa MECQ, ayon kay Roque.

Davao del Sur, which is previously MECQ, is placed under GCQ starting July 23, 2021 until July 31, 2021,” sinabi niya.

Walang panlabas na aktibidad para sa mga bata

Ang mga batang may edad na lima pataas ay hindi na pinapayagang lumabas ngayon na ang Metro Manila, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Davao de Oro, at Davao del Norte ay napapailalim sa mas mahigpit na uri ng GCQ, ayon kay Roque.

As these areas will be placed under GCQ with heightened restrictions, children five years old and above will not be allowed to go to outdoor areas, as provided for under IATF Resolution No. 125,” wika niya.

Sa ilalim ng IATF-EID Resolution 125 na inisyu noong Hulyo 8, ang mga batang limang taong gulang ay maaaring lumabas sa kabila ng pandemya, hangga’t nakatira sila sa mga lugar na inilagay sa ilalim ng GCQ at MGCQ.

LATEST

LATEST

TRENDING