
MANILA – Ang mga dating kasapi ng Alex Boncayao Brigade (ABB) at ang Cordillera Peoples’ Liberation Army (CPLA) ay pinuri ang pagunsad ng “Whole of the Nation Approach” ng administrasyong Duterte upang wakasan ang 52-taong armadong pakikibaka ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa Pilipinas.
Sinabi ni Presidential Human Rights Committee Executive Director, Undersecretary Severo Catura, tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na ang mga dating rebelde ay mananatiling masigasig na tagamasid sa mga hakbangin ng gobyerno upang maalis ang banta ng komunista.
“These groups commended the manner in which more former rebels have surfaced and given opportunities to start new lives, the greater number of villages that are now enjoying peace and development under the Barangay Development Program, the clearing of more CTG-influenced villages, and the dismantling of more Communist Terrorist Group fronts,” sinabi ni Catura sa isang pahayag noong Linggo.
“Remember, that these groups—the RPA-ABB and the CPLA—know what they’re talking about, having had their own experiences in working for decades for peace in the countryside alongside government,” dagdag niya.
“The NTF-ELCAC is, more than anything else, an instrument to bring about a just, equitable and lasting peace in a society that is free from terrorism—all in keeping with our people’s desire to live in a society that is free from such,” saad din niya.
Tiniyak ni Catura sa mga Pilipino na ang gobyerno ay mananatiling nakatuon sa mga obligasyon nito sa karapatang pantao at International Humanitarian Law na naaayon sa posisyon ng Commission of Human Rights (CHR).
Nauna nang pinuna ng CHR ang pinakabagong pagsabog ng landmine na isinagawa ng CPP-NPA, na pumatay sa tatlong hindi armadong mga sundalo ng gobyerno sa Jipapad, Silangang Samar, pati na rin ang manlalaro ng football na si Kieth Absalon at ang pinsan niyang si Nolven sa Masbate.
Ang paggamit ng mga anti-personnel mine (APMs) ay pinuna ng CHR, ayon kay Deputy Spokesperson Mark Siapno, na nagsabing mananagot ang NPA sa lahat ng mga krimen nito. Nangako siya na itutuloy ng CHR ang pagkamit hustisya para sa mga biktima.
Iginiit din ni Siapno ang panawagan ng gobyerno na ang CPP-NPA-NDF ay dapat managot sa lahat ng iba pang mga krimen na isinagawa nila sa mamamayang Pilipino na lumalabag sa IHL at Human Rights Laws.
Pinasalamatan ni Catura ang suporta ng CHR para sa paninindigan ng gobyerno laban sa nagpapatuloy na matinding paglabag sa CTG sa IHL.
Ito aniya ay magtatapos sa walang katapusang kalupitan ng CPP-NPA-NDF sa mga Pilipino.
“We only need to remind ourselves of what befell the Absalons, of Kieth’s and Nolven’s grieving parents; we only need to look at the morbid images and testimonies of cruelty and brutality suffered by unarmed soldiers who were not on duty. And this must stop,” sabi niya.
Nakalista bilang isang teroristang samahan ang CPP-NPA sa Estados Unidos, European Union, United Kingdom, Australia, Canada, New Zealand, at Pilipinas.