
MANILA – Binigyang diin ng Department of Agriculture (DA) ang kahalagahan ng pagbibigay lakas sa mga magsasaka tungo sa pagkamit ng food sustainability habang ang Pilipinas ay naghahanda para sa United Nations Food Systems Summit (UNFSS) sa Setyembre.
Sinabi ni DA Secretary William Dar na habang ang kasalukuyang henerasyon ay gumagawa ng higit pa sa bawat ektarya kaysa sa mga magsasaka na nauna sa kanila, mayroon ding mas malalaking problema na kinakaharap ang sektor ng agrikultura.
“They confront unprecedented challenges like the high cost of inputs, the lack of capital and rural infrastructure, climate change, and extreme poverty,” sinabi ni Dar sa kanyang talumpati sa National Food Systems Dialogue sa Bureau of Soils and Water Management Convention Hall sa Lungsod ng Quezon noong Martes.
Bilang bahagi ng Decade of Action upang maisakatuparan ang Sustainable Development Goals sa 2030, nanawagan ang UN Secretary General na si António Guterres para sa Food Systems Summit sa New York City.
Inilahad ni Dar na tatalakayin ng UNFSS ang mga action track tulad ng pag-access sa ligtas at masustansyang pagkain para sa lahat, paglipat sa sustainable consumption pattern, pagpapalakas ng produksyon na nakakabuti sa kalikasan, pagsusulong ng pantay na kabuhayan, at pagbuo ng katatagan sa mga kahinaan.
Sinabi niya na ang DA ay magtatayo sa sustainable market-oriented development sa agrikultura, mas mataas na antas ng pagiging produktibo at kita sa sakahan, at seguridad ng pagkain para sa lahat.
“We are not entirely starting from scratch. We are guided by our One DA Reform Agenda and Food Security Development Framework anchored on modernization, industrialization, value chain-based consolidation, and professionalization being undertaken via a whole-of-society consultation process,” saad niya.
Ang talakayan, na magpapatuloy sa Miyerkules, ay gagabay sa pambansang patakaran at maglalagay ng pundasyon para sa mga hinaharap na programa at proyekto.
“Our decisions will likewise inform our participation in the UNFSS in September. I am confident we will do well. The task of progress may not be easy, and success is not always inevitable. But, when people of good will meet with a single intent, the road to growth is open,” ayon kay Dar.