
MANILA – Ang pamahalaan ay aktibong nagsusubaybay sa border ng bansa upang maiwasan ang lokal na pagkalat ng bagong Covid-19 strain, tulad ng Delta at Lambda variant, na nagiging sanhi ng pag-aalala sa bansa.
Inilahad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang katiyakan matapos magpahayag ng pag-aalala ang mga health expert sa buong mundo sa Lambda, isang Covid-19 variant na mabilis na kumalat sa mga bahagi ng South America.
Ang Delta variant ay unang natuklasan sa India, at kumalat sa higit sa 100 mga bansa.
Gayunpaman, sinabi ng mga local health official na walang kaso ng Delta variant sa Pilipinas.
Iginiit muli ni Duterte ang kanyang panawagan para sa mga tao na magpabakuna laban sa Covid-19, at binanggit na ito ang pinakamahusay na hakbang sa pag-iwas laban sa respiratory disease.
“Our best defense is still to be vaccinated as soon as possible. I reiterate my appeal: Please get vaccinated as soon as possible. The life you’ll be saving is not only your own, but of your loved ones and the people around you,” sinabi niya sa isang pre-recorded meeting sa Talk to the People.
Pinuri din niya ang pagsisikap sa pagbabakuna ng Covid-19 sa bansa sa bilis nito.
“I am pleased to know that as of July 11, more than 3 million Filipinos have received the second dose and with the total of more than 13 million doses so far administered in the country,” saad niya.
Pinayuhan ni Duterte ang publiko na panatilihin ang pagsunod sa public health precaution tulad ng pagsusuot ng mga face mask, face shield, paghuhugas ng kamay, at physical distancing.
Tiniyak ng Food and Drug Administration (FDA) Director-General na si Eric Domingo sa parehong pagpupulong, na kahit na ang bisa ng mga bakuna sa Covid-19 ay nabawasan dahil sa paglitaw ng mas maraming mga nakakahawang variant, magiging epektibo pa rin ito laban sa mga bagong strain.
Ang Sinovac, AstraZeneca, Pfizer, Sputnik V, at Moderna ay ang mga tatak ng bakuna sa Covid-19 na kasalukuyang nasa imbentaryo ng Pilipinas.
“Ang mga variant po, nababawasan ng konti yung effifacy ng vaccine pero hindi naman po siya nawawala. Nagiging very useful pa rin po,” sabi ni Domingo.
Bilang tugon, sinabi ni Duterte na nakakatuwang malaman na ang mga bakuna ay mabisa pa rin sa pagiwas ng pagkamatay at matinding karamdaman na dulot ng Covid-19.
“It seems that we are a little bit safe. Not really totally safe, but I said it is very consoling to hear from you that the present vaccine[s] we are using are as effective although not to its full degree, but rather could give us a minimum of comfort that there is available vaccine and it can be used against the variants,” saad niya.