
MANILA – Itinaguyod muli ng Philippine National Police (PNP) ang pagpaparehistro ng mga mobile phone number bilang bahagi ng pinaigting na pagsisikap na labanan ang cybercrime.
“If you could just imagine, kagaya ng sa ibang bansa, na ang paggamit ng cellphone number or unit ay registered, maiiwasan na gumawa ng scam dahil alam nila na sa kanila yun. Pero hindi ganun eh. We are lobbying for this, hindi lang naman kami. It’s still up to lawmakers kung paano gagawin,” sinabi ng punong PNP, Gen. Guillermo Eleazar sa sideline ng paglulunsad ng Enhanced Anti Cybercrime Campaign, Education, Safety And Security (E-Access), isang online verification platform laban sa cybercriminal, sa Camp Crame noong Huwebes.
Inilahad ni Eleazar na ito ay isa sa mga hadlang na nakakaharap nila sa pagtugis sa mga cybercriminal na gumagamit ng maraming prepaid SIM card sa mga pandaraya at iba pang labag sa batas na operasyon.
“But for now, aside from lobbying for that, aside from registration of SIM cards, where you cannot just buy it from some store, we are working on the limitation that we have. We are also engaging other stakeholders like Facebook, given the procedures that they have particularly sa pag take down ng postings na di naman dapat nilalagay dun,” dagdag niya.
Batay sa data mula sa PNP Anti-Cybercrime Group, ang mga netizen ay maaaring gumamit ng portal na E-Access upang matukoy kung ang isang email address, website, numero ng mobile, o social media account ay naging sangkot sa mga reklamo o sa isang nakabinbing kasong kriminal dahil sa cybercrime.
Inilahad ni Eleazar na nauugnay ang proyekto sapagkat nagkaroon ng pagtaas sa cybercrime dahil ang pandemya ay nagdulot sa mga tao na manatili sa bahay at magtrabaho online.
“During this pandemic, nakita natin ‘yung downtrend ng crime natin. ‘Yan ‘yung index crimes, the barometer of peace and order. But for cybercrime, makikita natin na tumataas siya. We have a cybercrime law pero marami tayong limitations, pero ang gusto namin, itong realistic doable measure na kahit paano ma-alleviate ‘yung dinaranas ng ating netizens. We are not telling you that we can solve all of these problems but we can assure you that we are trying to improve this one,” sabi ni Eleazar.
Kabilang dito ang mga kaso ng pangingikil at iba pang mga pandaraya sa paggamit ng Internet.
Ang portal, na maaaring ma-access sa pamamagitan ng pagbisita sa cybercrimewatch.pnp.gov.ph, ay nahahati sa dalawang seksyon: cyber web at cybercrime watch.
Maaaring gamitin ang Cyber web upang mag-file ng mga reklamo at iulat ang mga online scammer na maaaring magamit bilang batayan para sa operasyon habang ang cybercrime watch ay kung saan maaaring mapatunayan ng mga netizen ang isang social media account, tao, numero ng cell phone, at mga e-mail address na may mga reklamo ukol sa cybercrime.
Kasama rin sa website ang isang listahan ng mga madalas na naiulat na krimen pati na rin mga payo sa kung paano maiiwasan ang mga ito, kabilang ang mga cybercrime.