UN, WHO hinimok para ipaalala sa mayayamang bansa na itigil ang pag-iimbak ng bakuna

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Umapela si Health Secretary Francisco Duque III nitong Martes sa dalawang organisasyong pang-internasyonal na paalalahanan ang mga mayayamang bansa na ihinto ang pag-iimbak ng mga bakunang Covid-19 upang mapalakas ang pandaigdigang supply, lalo na para sa mga mahihirap na bansa.

Sa isang panayam sa Palasyo, nanawagan si Duque sa United Nations (UN) at World Health Organization (WHO) na siguraduhin ang mas pantay na pamamahagi ng mga bakuna, dahil ang mga mayayamang bansa ay bumili ng higit na dosis kaysa sa kailangan nila, na maaaring makahadlang sa suplay na pangangailangan ng mga mahihirap na bansa.

Ako po ay nananawagan sa United Nations, sa World Health Organization na pakiusapan ang mga mayayamang bansa na sa kasalukuyan ay pinag-uusapan na nila iyong booster dose or the third dose,” saad ni Duque.

Naniniwala si Duque na ang pag-iimbak ay “hindi tama,” dahil sa isang malaking porsyento ng populasyon ng mundo ay hindi pa nababakunahan.

So, kung mangyari lang po na makinig naman sila sa sentimyento ng ating low to middle income countries na kulang na kulang pa rin ang mga bakuna. Mababa pa ang ating coverage kaya tayo po ay nakikiusap,” sabi niya.

Sinabi niya na siya ay pormal na susulat ng isang liham sa UN at WHO upang “paalalahanan ang mga mayayamang bansa na huwag kalimutan ang mga mahihirap na bansa”.

“Many peoples of the world still don’t have even have the first vaccine,” sabi niya.

Samantala, inangkin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na humigit-kumulang 12 milyong dosis na ng Covid-19 na bakuna ang naipamahagi sa Pilipinas.

Hinimok ni Roque ang mga tao na magpabakuna at panatilihin ang pagsunod sa mga regulasyon sa kalusugan upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

“Tara na po magpabakuna at magkaroon ng dagdag na protection ito ay sa gitna na report na may panibagong variant ang Lambda variant unang na-detect sa Peru na kumakalat ngayon,” saad ni Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING