DOH: Pagpapataw ng mas pinahigpit na border control laban sa Lambda variant

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang gobyerno ay magpapataw ng mas mahigpit na border control upang maiwasan ang pagpasok ng Lambda Covid-19 strain, na nananatiling isang “variant of interest,” ayon kay Health Secretary Francisco Duque III noong Martes.

Sinabi ni Duque sa isang pagtatagubilin sa Palasyo na ang Lambda strain, na tila nagsimula sa Peru at kumalat sa 35 mga bansa sa Latin America, ay hindi pa natuklasan sa Pilipinas batay sa genome sequencing ng Philippine Genome Center mula sa 7,000 na mga sample.

Hindi pa naiuri ng World Health Organization ang Lambda strain bilang isang “variant of concern,” ayon kay Duque.

So iyan po ang paigtingin natin, ang border control – ibig sabihin po nito 14-day quarantine – 10 in the government identified quarantine facility, test on the 7th day and completion of the remaining 4 days in their home, LGU (local government unit) or residents and of course iyong bio-surveillance natin na ginagawa ng Philippine Genome Center,” saad ni Duque.

Binigyang diin niya na ang lahat ng nagbabalik na mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa ay dapat sumunod sa mahigpit na mga regulasyon ng quarantine, kung saan sila ay sasailalim sa quarantine kahit 10 araw at kumuha ng swab test sa ikapitong araw mula ng kanilang pagdating.

Ang mga border control, ayon kay Duque, ay naging epektibo hanggang ngayon, partikular na laban sa labis na nakahahawang variant ng Delta na wala pang lokal na kaso o lokal na pagkahawa na naitala sa Pilipinas.

So, kaya kinakailangan talaga bantayan po natin ito dahil baka biglang maging variant of concern. So, ano ang gagawin natin? Patuloy na paigtingin ang ating border control,” saad niya.

LATEST

LATEST

TRENDING