
MANILA – Inilahad ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar noong Huwebes na ang kampanya kontra-iligal na droga ay isa sa pangunahing nagawa ng administrasyong Duterte.
Ang pahayag ni Eleazar ay kasunod sa pagsusuri ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na kasama sa mga nagawa ng administrasyon ay ang operasyon laban sa iligal na droga.
“Out of 42,045 barangays, 21,891 barangays have been cleared. Ngayon lang nangyari ito sa kapanahunan ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte,” saad ni Eleazar.
Ayon sa kamakailang opisyal na datos, may kabuuang 289,622 mga suspek ang naaresto at 6,117 ang mga napatay noong 200,632 na anti-iligal na operasyon ng droga ng iba’t ibang mga awtoridad sa pagpapatupad ng batas mula pa noong 2016.
Ang buong halaga ng ipinagbabawal na gamot at kagamitan sa laboratoryo na nasamsam sa panahon ng mga operasyon laban sa droga na ito ay tinatayang aabot sa PHP59.14 bilyon.
Nanumpa si Eleazar na mananatili ang PNP sa walang humpay sa operasyon nito laban sa iligal na droga at lipulin ang kalakalan ukol dito.
Sinira ng PNP at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mahigit kumulang PHP1.2 bilyong mapanganib na droga sa Trece Martires City, Cavite noong nakaraang linggo.
Noong nakaraang taon, iniutos ng Korte Suprema na lahat ng mga regional trial court na humahawak sa mga kaso ng ipinagbabawal na gamot ang pagpapabilis ng kanilang inspeksyon at pagtatapon ng mga nakumpiskang iligal na gamot na ginamit bilang ebidensya.