Phivolcs nagbabala sa mga residente na mag-ingat sa Taal volcanic smog

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa mga residente sa paligid ng Taal Lake nitong Lunes na mag-ingat kung magpapatuloy ang volcanic smog (vog) sa crater ng Bulkang Taal.

Ang Vog ay isang uri ng polusyon sa hangin na sanhi ng mga bulkan.

“It consists of fine droplets containing volcanic gas such as SO2 (sulfur dioxide) which is acidic and can cause irritation of the eyes, throat, and respiratory tract in severities depending on the gas concentrations and durations of exposure,” sinabi ng Phivolcs sa isang advisory.

Ang mga may kondisyong pangkalusugan tulad ng hika, sakit sa baga, at sakit sa puso, pati na rin ang mga matatanda, mga buntis na kababaihan, at mga bata, ay partikular na mahina sa mga negatibong epekto ng vog, ayon sa ahensya.

Ayon sa United States Geological Survey (USGS), ang vog ay mapanganib sa kalusugan dahil pinapalala nito ang mga dati nang sakit sa paghinga.

Ang sulfur dioxide (SO2) gas ay maaaring maging sanhi ng pangangati sa balat, mata, ilong, at lalamunan. Bukod dito, ang mga particle ng aerosol sa vog ay maaaring umabot sa baga at maging sanhi ng mga sintomas ng hika.

Ang kahirapan sa paghinga, sakit ng ulo, watery eyes, pananakit ng lalamunan, sintomas ng trangkaso, at pagtaas ng karamdaman sa respiratory disease ay kabilang sa mga alalahanin na nauugnay sa vog exposure, ayon sa USGS.

Inirekomenda ng Phivolcs sa mga tao na manatili sa bahay, gumamit ng N95 mask, at uminom ng maraming tubig.

Ang vog ay sanhi ng patuloy na SO2 production mula sa bunganga ng Taal. Dahil din ito sa mga kondisyon sa atmospera at kawalan ng sirkulasyon ng hangin.

Sa nakalipas na dalawang araw, ang SO2 emission at steam-rich plume ay umabot na sa tatlong kilometro ang taas.

Noong Hunyo 27, ang SO2 flux ay nag-average ng 4,771 ton bawat araw.

“Atmospheric temperatures of 30 ºC, relative humidity of 75 percent and wind velocities that slowed to 1 to 0 meters/second at near-surface levels prevailed over Taal Volcano Island,” ayon sa advisory.

Mula noong Marso 9, ang Bulkang Taal ay nasa alert level 2 (increasing unrest).

Nangangahulugan ito na ang biglaang pagsabog, mga lindol, minor ashfall, at nakamamatay na akumulasyon o pagsabog ng volcanic gas ay maaaring mangyari at magbanta sa mga lugar sa loob at paligid ng Taal Volcano Island (TVI).

Ang pagpasok sa TVI, ang permamanent danger zone ng Taal, ay mahigpit na ipinagbabawal.

Pinayuhan ng Phivolcs ang mga opisyal ng pamahalaang lokal na patuloy na masuri at palakasin ang kahandaan ng mga dating nailikas na mga barangay sa paligid ng Taal Lake sakaling magkaroon ng recurrent unrest.

LATEST

LATEST

TRENDING