PRRD, hindi sumang-ayon sa F2F classes

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes na hindi niya “isusugal” ang kalusugan ng mga bata sa paaralan sa pamamagitan ng pagpapahintulot na muling ipagpatuloy ang face to face (F2F) classes.

Sa isang paunang naitalang pagpupulong kasama ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at ilang miyembro ng Gabinete sa Lungsod ng Davao, tinanggihan ni Duterte ang panukala ng Department of Education (DepEd) na ipagpatuloy ang mga F2F classes kahit sa mga lugar na may mababang panganib na hatid ng Covid-19, na may bantang dala ng Delta coronavirus variant (B1617).

“Dito sa face-to-face, I think I am not inclined to agree with you. I’m sorry but mahirap. I… I cannot… I cannot gamble on the health of the children. I hope you’d understand,” sinabi niya sa DepEd Secretary Leonor Briones na dumalo sa pulong sa pamamagitan ng Zoom.

Ayon kay Briones, ganap na suportado ng kanyang departamento ang desisyon ni Duterte at kinikilala ang kahalagahan ng ng pagsunod sa kaalaman ng mga dalubhasa sa medikal.

‘Napakahusay na desisyon’

“There is really no problem, Mr. President,” sinabi ni Briones.

Bukod dito, sinabi niya na ang DepEd ay magiging handa para sa posibleng pagbubukas muli ng mga klase sa kaganapan ng pagbaba ng mga kaso ng Covid-19.

Itinuring ni Briones ang desisyon ni Duterte bilang isang “napakahusay na desisyon” na suspindihin ang face to face classes.

“Listening to the briefing and listening to your decision, we don’t have any reservations because we all know the effect, especially the idea, Mr. President of having our children vaccinated because we are told our children are now more prone and perhaps are vulnerable and we would not want to risk 27 million children,” sinabi niya.

Sinabi ni Briones na bilang resulta sa desisyon ni Duterte, gagamitin ng DepEd ang teknolohiya upang magbigay ng mga klase para sa darating na taon ng pag-aaral.

Nagsagawa ang DepEd ng mga klase sa pamamagitan ng online at modular na pag-aaral, pagtuturo na batay sa TV at radyo, at pinaghalo na pag-aaral, na kung saan ay isang kombinasyon ng dalawa o higit pang mga paraan ng pag-aaral, para sa taon ng pag-aaral mula 2020 hanggang 2021, na nagsimula noong Oktubre 2020.

Nauna nang nagbabala ang mga dalubhasang medikal na ang mga bagong strain ng coronavirus ay nakakaapekto sa mas maraming mga bata.

Ayon sa pangunahing tagapagpatupad at vaccine czar ng National Task Force against Covid-19 na si Secretary Carlito Galvez Jr., ang kalahati ng 40 milyong Covid-19 bakuna na ginawa ng US pharmaceutical company ay gagamitin para sa mga batang may edad na 12 hanggang 15.

LATEST

LATEST

TRENDING