
MANILA – Ang lahat ng serbisyo ng gobyerno sa Pasig City ay nagpatuloy sa buong operasyon nitong Miyerkules matapos ang pagbaba sa general community quarantine (GCQ) na may mga paghihigpit sa National Capital Region (NCR) Plus sa natitirang bahagi ng Hunyo.
Gayunpaman, pinayuhan ang mga residente na ang mga may mahahalagang paglalakbay lamang ang pahihintulutang lumabas, tulad ng mga essential workers, mga may medical na emergency, mga nangangailangang bumili ng pagkain at pag-access sa mga serbisyong panlipunan.
Ang mga Senior Citizens na ganap ng nabakunahan ay pinapayagan na sa mga pampublikong lugar kung ipapakita nila ang kanilang mga vaccination card sa pagpasok sa mga establisyemento.
Dapat limitahan sa 40% ang kapasidad sa mga indoor dine-in, at 50% naman para sa outdoor.
Ang mga pagpupulong, insentibo, kumperensya, eksibisyon, at mga katulad na aktibidad ay pinapayagan na punan hanggang sa 30% ng lugar.
Pinapayagan hanggang 20% kapasidad ang mga panloob na atraksyon ng turista, makasaysayang mga lugar at museo, habang 50% ang kapasidad na pinapahintulutan para sa mga panlabas na lugar ng turista.
Pinapahintulutan rin hanggang 50% kapasidad ang mga personal care na establisyemento tulad ng mga beauty salon, barbershops, at nail spa, limitado sa mga serbisyong magbibigay-daan sa pagsusuot ng mga face mask ng parehong kliyente at service provider.
Ang mga gym at iba pang mga fitness center ay maaaring buksan na may kapasidad na 20%, habang ang mga non-contact indoor sports venue ay maaaring may kapasidad na 30%.
Ang mga pagtitipon na panrelihiyon ay kailangang nasa 30% na kapasidad ng lugar.
“Gatherings for necrological services, wakes, inurnment, and funerals for fatalities not caused by Covid-19 are authorized,” dagdag pa ng lokal na pamahalaan sa isang social media advisory.
Ibinago rin ang oras ng curfew sa NCR, Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna sa hatinggabi mula 10 p.m. hanggang 4 a.m.
Sa ngayon ay may 275 aktibong kaso ng Covid-19 nitong Hunyo 16, mula sa kabuuang 31,471 na kumpirmadong mga kaso. Nagkaroon naman ng 30,313 na mga gumaling at 883 ang nasawi.