3.4-M Covid-19 vaccines, inaasahang darating sa PH sa Hunyo: Malacañang

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Ezra Acayan (Getty Images)

Inaasahan ang pagdating sa bansa ng hindi bababa sa 3.4 milyong Covid-19 vaccine doses sa Hunyo, pahayag ng Malacañang noong Lunes.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakatakdang dumating sa Pilipinas ang mga sumusunod na doses sa susunod na buwan:

  • Hunyo 6: 1 milyong doses ng Sinovac Biotech mula China
  • Hunyo 7: 1.3 miyong doses ng Pfizer-BioNTech mula US 
  • Hunyo 11: 900,000 doses ng Pfizer-BioNTech 
  • Hunyo 21: 200,000 doses ng Moderna mula US

Mas kumikiling ang karamihan ng mga Pilipino sa mga bakunang gawa ng Sinovac at Pfizer, batay sa isang inilabas ng survey ng Social Weather Stations kamakailan.

As of May 29, 5.120 milyong doses na umano ang naiturok sa bansa, kung san karamihan dito ay Sinovac vaccines.

Nauna nang binabaan ng pamahalaan ang vaccination target nito mula 70 milyon patungong 58 milyong katao bago magtapos ang taon.

“Nais ba nating mas maraming bakuna ang dumating? Siyempre, dahil mas ninanais nating mabigyan ng proteksyon,” ani Roque sa isang press briefing. 

“Pero given the circumstance po na talagang nagkakaroon na nga tayo ng vaccine apartheid, I would say, iyong mahigit 5 milyon na po ang nabakunahan natin is an accomplishment itself, despite the very tight supply for these vaccines,” paliwanag nito. 

Uumpisahan ng pamahalaan sa Hunyo ang pagbabakuna sa tinatayang nasa 35.5 milyong essential workers, ang ikaapat na priority group. Nasa 13 milyon sa mga manggagawang ito ang nakabase sa Metro Manila, ayon kay Roque.

LATEST

LATEST