Robredo, hinikayat ang pamahalaan na magtakda ng mas mataas na targets sa Covid-19 response

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Vice President Leni Robredo

Sinabi ni Vice President Leni Robredo noong Linggo na ang pagtatakda ng pamahalaan ng mas mataas na targets kaugnay ng pagsugpo sa Covid-19 ay makapag-uudyok sa gobyerno na umaksyon.

Inihayag ito ni Robredo matapos baguhin ng pamahalaan ang layunin nito mula sa “herd immunity” patungo sa “population protection” kontra Covid-19 bago magtapos ang taon, giit ng isang opisyal ng Department of Health (DOH).

“Para sa akin, okay naman yun mas realistic ang target. Pero para sa akin, mas marami tayong gagawin, mas urgent yung ating aksyon kung mas mataas ang targets. Wala naman tayong talo kung mataas ang targets natin kasi at least, ‘yun ang ita-try nating i-achieve,” diin ng Pangalawang Pangulo sa kanyang lingguhang programa sa radyo.

Inanunsyo noong nakaraang linggo ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje ang pag-adopt ng pamahalaan sa terminong “population protection” sa pamamagitan ng mass immunization, sapagkat marami umanong attached criteria ang herd immunity.

Ayon sa ahensya, ito ay nangangahulugan ng pagbabawas ng hospitalization at deaths mula sa Covid-19.

“We prevent hospitalization. We prevent and minimize deaths by prioritizing,” ani Cabotaje.

“And the bigger the population that is vaccinated, we have population protection, so hindi magkakahawaan. Kung may magkahawaan man, this will be very mild,” dagdag pa ng opisyal.

Samantala, iginiit naman ni Robredo na ang pagsasagawa ng training para sa mas maraming vaccinators ay makapag-aalis ng pressure mula sa nurses at mga doktor, upang makapagpokus ang mga ito sa trabaho sa ospital.

“Kung aasa lang tayo sa mga doktor at nurses na sobra na nga ang kanilang ginagawa sa mga ospital, matatagalan talaga,” paliwanag ni Robredo.

“Magte-train tayo ng mga vaccinators, kasi lumalabas, kulang talaga yung nagbabakuna. Kahit may supply, walang nagbabakuna..Tingin ko, among the BHW (barangay health workers), marami naman diyan ang pwedeng i-train na mag-vaccinate, gaya sa ibang bansa ‘di naman lahat medical personnel ang nagbabakuna,” dagdag pa nito.

“Kailangan talagang harapin natin, bakit ba kulang ang kumpyansa sa isang brand na ito, para ‘pag nagkampanya tayo against the vaccine hesitancy, tama ang kampanya natin. Mahalaga na iniintindi natin… ‘Di pwedeng idaan sa propaganda na sinisiraan ng oposisyon,” pagbibigay diin ni Robredo.

LATEST

LATEST

TRENDING