Ex-NEDA chief, sinabing dapat ‘mariing depensahan’ ng susunod na Pangulo ang WPS

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Dating NEDA Director General Ernesto Pernia

Inihayag ng isang dating miyembro ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Biyernes na dapat “mariing depensahan” ng susunod na magiging Pangulo ang West Philippine Sea (WPS) upang mapigilan ang pagkatalo ng bansa sa naturang rehiyon.

Ayon kay dating socioeconomic planning chief Ernesto Pernia, marami nang nawala sa West Philippine Sea kaya dapat pagtuunan ng susunod na Presidente ang isyung ito.

Aniya, “We’ve been losing much in WPS, and we could lose more. Our next leader must vigorously defend what’re ours. No ifs and buts!”

Naging buntungan ng pambabatikos ang Duterte administration dahil sa umano’y pagbibigay ng prayoridad sa pakikipagkaibigan sa China kumpara sa paglaban para sa teritoryo ng bansa.

https://twitter.com/SecPernia?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1398116476201050120%7Ctwgr%5E%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fnewsinfo.inquirer.net%2F1438412%2Fex-duterte-cabinet-exec-says-next-president-must-vigorously-defend-west-ph-sea

LATEST

LATEST

TRENDING