Ely Buendia, iginiit na hindi sila naging ‘close’ ng mga kabanda sa Eraserheads

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Raimund Marasigan, Ely Buendia, Buddy Zabala, at Marcus Adoro ng Eraserheads

Umani ng pambatitikos kamakailan ang dating bokalista ng bandang Eraserheads na si Ely Buendia matapos aminin sa podcast na “Wake up with Jim and Saab” ilang buwan na ang nakararaan na siya at ang kanyang mga dating kabanda sa Eraserheads ay hindi naging “close” at hindi sila naging “tight friends.”

Aniya,  “That’s why we broke up.”

“I mean we weren’t Itchyworms. We weren’t Parokya ni Edgar…,” giit ng tanyag na musikero. 

“Big deal, still? Why hate on people who want to tell the truth? I didn’t ask to be interviewed, nanahimik na nga ko dito eh living a happy life kayo yung makulit about the eheads. The music is all that matters, have you forgotten about that, and who wrote most of it? just sayin,” tugon ni Buendia nang muling umalingawngaw sa social media ang kanyang naging pag-amin tungkol sa relasyon ng mga miyembro ng Eraserheads.

“Lol it’s also weird that I have more Ehead fans who hate me than DDS. Priorities, I guess,”  dagdag pa nito.

Gayunpaman, hindi lang si Buendia ang umaming hindi naging maayos ang samahan ng banda.

Prior, the band’s drummer, Raimund Marasigan, intimated they just can’t get along.

“I know a lot of people are asking why we can’t get the four of us here, and the honest answer is, we can’t get along,” paglilinaw ni Raimund Marasigan, dating drummer ng banda, sa isang live jam session sa Facebook noong nakaraang taon.

“Some years we get along, some years we don’t get along. This is one of the years we don’t get along,” dagdag pa ni Marasigan.

LATEST

LATEST

TRENDING