Duterte, ipinagdasal ang pagbangon ng bansa mula sa Covid-19 pandemic

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Ipinagdasal noong Linggo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggaling ng bansa habang nagpapatuloy ito sa laban kontra Covid-19.

Sa isang recorded message para sa isang interfaith prayer meeting na inorganisa ng Office of the Presidential Adviser for Religious Affairs (OPARA) at iba pang religious groups, hinikayat ni Duterte ang mga Pilipino na kumapit sa Diyos para sa agarang pagbangon.

Aniya, “The present COVID-19 pandemic has truly been a difficult and challenging time for all of us. In this time of trial, it is only right that we look to the Lord Almighty to guide us, not only towards the path of righteousness, but also to full recovery.”

“As a resilient strong and faithful nation, let us put our trust in the Lord Almighty and hope that through our fervent prayers, He will heal our land,” dagdag pa ng Pangulo.

Tinapos ni Duterte ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng pagdarasal para sa paggaling at lakas para sa lahat sa bansa, lalo na ang mga frontliners.

“To the Lord Almighty, we humbly seek your grace and blessing. Please heal our land from the illness caused by COVID-19. You are our only hope and strength amidst these trying times,” giit ni Pangulo.

“Bless our medical frontliners and our health workers. Bless our essential workers, bless our workers in government and in the private sector who are helping our people to cope up with this crisis,” dagdag pa nito.

LATEST

LATEST

TRENDING