DOH: Covid-19 cases, pababa sa NCR Plus, pataas sa ibang rehiyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire

Inihayag ng Department of Health (DOH) noong Biyernes na ang bilang ng Covid-19 cases sa Metro Manila at mga karatig lalawigan nito ay pababa sa mga nagdaang linggo.

Gayunpaman, hindi bababa sa 7 rehiyon ang naiulat na nagkaroon ng pagtaas sa Covid-19 cases, kung saan posibleng magpatupad ng mas mahigpit na quarantine protocols sa mga lugar na ito, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang news briefing.

Aniya, “Bagama’t bumababa ang mga kaso natin sa NCR Plus, nakikita natin ang pagluwag ng ating mga hospital, we are seeing now the increase in the number of cases in other regions, pati ‘yong pagkapuno or pagkataas ng kanilang health-care utilization rate.”

Ang mga lugar kung saan nagkaroon ng Covid-19 spike ay ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region at Soccsksargen.

Upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus, nakikipag-ugnayan ang DOH sa Inter-Agency Task Force upang paigtingin ang restrictions at padamihin ang bilang ng hospital beds.

Sinabi rin ni Vergeire na pababa na ang Covid-19 related deaths sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

“Bumababa po ang mga deaths natin dito sa NCR Plus pero kailangan pa rin namin bantayan dahil nakikita namin ang pagtaas ng pagkakamatay sa ibang lugar,” giit ng opisyal.

LATEST

LATEST

TRENDING