10 P.M. – 4 A.M. na curfew sa Metro Manila, mananatili ayon sa MMDA

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: PNP

Ang oras ng curfew na umiiral sa Metro Manila mula 10 p.m. hanggang 4 a.m. ay mananatili matapos magkasundo ang mga alkalde ng rehiyon na panatilihin ito, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr. noong Huwebes.

“’Yung ating curfew na 10 p.m. to 4 a.m. ay minabuti na rin ng ating mga alkalde na ipanatili, status quo pa rin muna, na huwag na rin muna galawin ang ating curfew,’” ani Abalos sa isang Malacañang briefing.

Ayon sa MMDA Chairman, nais umano ng Metro Manila Council (MMC), na kinabibilangan ng mga alkalde ng Metro Manila, ang dahan-dahang pagbubukas ng ekonomiya.

Aniya, “Ang kanilang pananaw ay slowly but surely ang pagbubukas sa negosyo. More businesses, activities, taasan ang capacity pero dahan dahan. ‘Yan ang napag-usapan ng mga alkalde.”

Ipinapaubaya na umano ng Metro Manila mayors sa Department of Trade and Industry at Department of Tourism ang desisyon kung anong mga negosyo ang papayagang magbukas.

Kasalukuyang nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) “with heightened restrictions” ang Metro Manila hanggang Mayo 31.

LATEST

LATEST