Duterte, nagbabalang unang ipahuhuli ang brgy. officials na magpapahintulot ng mass gatherings

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Mariing binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga punong-barangay na magpapahintulot ng mass gatherings sa kanilang mga nasasakupang barangay.

Ito ay matapos mangyari na naman ang isang “super-spreader” pool party sa Quezon City, kung saan 54 katao ang nagpositibo sa Covid-19.

“Hindi naman talaga krimen na may ginawa kayo but most of you are committing a crime kasi alam ninyo na after a gathering, after swimming together, a lot you will get positive na for Covid-19,” ani Duterte sa kanyang lingguhang public address.

“Binabalewala ninyo ang pakiusap ng gobyerno, and it’s criminal for you to get the COVID and pass it on to another innocent person. It is really a crime.

“Ipakulong ko kayo. I will look for a suitable law because you are now forcing my hand to get into this thing and control it. Ayaw ninyo magpasaway eh. Iyan ang problema ko.

“Kung ganoon ang ginagawa ninyo, walang katapusan na itong p*t*ng*n*ng ito,” pagbibigay diin ng Pangulo.

Nagbabala rin si Duterte sa mga opisyal ng barangay na papahintulutan ang mga nabanggit na uri ng gatherings sa kanilang lokalidad.

Aniya, “Kayong mga barangay captain, do you know that you have committed a crime of dereliction of duty? Tingnan ninyo sa Revised Penal Code, magkonsulta kayo ng abogado. Talagang ang unang ipakulong ko ‘yung barangay captain, having committed the crime of dereliction of duty under the Revised Penal Code.”

Kinalaunan ay ipinag-utos ni Duterte sa Philippine National Police (PNP) at Department of Interior and Local Government (DILG) na arestuhin muna ang punong-barangay sakaling may mangyari ulit na ganitong pagtitipon.

“Beginning (Wednesday night), ‘pag may isa pa, ang unang hulihin ang barangay captain. I am ordering the police to arrest the barangay captain and bring him to the station, investigate him for dereliction of duty, having failed to enforce the law,” giit ni Duterte.

“‘Pag naulit pa ito, ang unang hulihin ang barangay captain. Kasi ‘pag nangyari ito, ibig sabihin you gave the permission. That is the presumption. Kung hindi ka nagbigay ng permiso, hindi mangyayari ‘yan,” dagdag pa ng Pangulo.

LATEST

LATEST

TRENDING