Duterte, ipinapasa-Diyos ang pagtakbo bilang VP

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Simeon Celi (Presidential Photo)

Bahala na umano ang Diyos tungkol sa pagtakbo o hindi ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Bise-presidente sa 2022 national elections.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang online briefing, “I think I will quote the President, he leaves it to God.”

Unang sinabi ni Roque na nakatuon ang atensyon ng Pangulo sa Covid-19 vaccination program kasabay nang panawagan na tumakbo ito bilang Pangalawang Pangulo.

Ilang miyembro rin ng partido ng Duterte na PDP-Laban ang naghikayat sa kanyang tumakbo bilang Bise-presidente sa 2022.

Subalit, ayon sa acting president ng PDP-Laban na si Senador Manny Pacquiao, ang inilabas na resolusyon sa pagitan ng mga party members tungkol sa pagtakbo ni Duterte bilang vice president ay hindi “awtorisado”.

LATEST

LATEST

TRENDING