SWS: 63% ng mga Pinoy, mas gusto ang Covid-19 vaccines ng US

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: US Embassy

Ibinunyag ng isang Social Weather Stations (SWS) survey na 63% ng mga adultong Pilipino ang mas kumiliking sa Covid-19 vaccines na gawa ng Estados Unidos.

Ayon sa naturang survey, China ang pinili bilang ikalawang second preferred source ng coronavirus shots sa 19%. Ito ay sinundan naman ng Japan (13%), Australia (13%), United Kingdom (13%), Canada (12%), Russia (12%), Germany (8%), South Korea (6%), at India (3%).

2 percent naman ang pumili sa lahat ng mga nabanggit na bansa, habang 12% naman ang hindi nagbigay ng kasagutan.

Ang First Quarter 2021 survey ay isinagawa mula Abril 28 hanggang Mayo 2 sa pamamagitan ng face-to-face interviews ng 1,200 adulto sa buong bansa. Ang  sampling error margins ay ±3% para sa national percentages at ±6% naman para sa Balance Luzon, Metro Manila, Visayas, at Mindanao.

LATEST

LATEST

TRENDING