Skyway Stage 3 Quirino southbound exit, bukas na para sa Class-1 vehicles

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ang Quirino southbound exit ng Skyway Stage 3 elevated expressway ay bukas na para sa Class-1 vehicles, ayon sa San Miguel Corporation (SMC) noong Lunes.

Sinabi ni SMC president Ramon S. Ang na ang pagbubukas ng Quirino southbound exit ay mas makakapag-improve sa accessibility mula Quezon City at Manila.

Ayon sa kumpanya, ang operasyon ng Quirino southbound exit ay makapagbibigay daan sa mga motorista na manggagaling ng Balintawak at Quezon Avenue sa Quezon City, na makarating sa Manila sa loob lamang nang 20 minuto – nang walang trapik – mula sa dating 1.5 hours.

“With more private vehicles diverted to Skyway Stage 3 on their way back from NLEX, or coming from Quezon Ave., to Manila, traffic on our major public roads as well as on streets usually utilized as ‘short cuts’ or ‘alternate routes’, will be a thing of the past,” pahayag ni Ang.

Sinabi ng SMC, na nagpondo at nagtayo 100% ng Skyway Stage 3, na mayroon nang 15 operational ramps ang naturang expressway:

Northbound Entry/On-Ramps:

•       Buendia (Zobel)

•       Quezon Avenue

Southbound Entry/On-Ramps:

•       Balintawak

•       Quezon Avenue

•       Plaza Dilao

Northbound Exit/Off-Ramps:

•       Quirino Avenue

•       Nagtahan

•       Quezon Avenue

•       A. Bonifacio

•       Balintawak



Southbound Exit/Off-Ramps:

•       Quezon Avenue

•       E. Rodriguez

•       Nagtahan

•       Quirino

•       Buendia (Zobel)

LATEST

LATEST