PH, maglulunsad ng P100-M pag-aaral tungkol sa epekto ng Covid-19 vaccines sa mga Pinoy

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: The Straits Times

Nakatakdang magsagawa ng P100-milyong pag-aaral ang bansa para sa epekto ng Covid-19 vaccines sa mga Pilipino, ayon sa isang opisyal ng Department of Science and Technology (DOST) noong Martes.

Layunin ng nasabing pag-aaral na sagutin ang mga tanong hinggil sa epekto ng mga bakuna alinsunod sa ethnicity at tukuyin kung gaano katagal ang efficacy nito sa mga Pinoy, pahayag ni DOST Undersecretary Rowena Guevara sa isang online press conference.

Aniya, “Habang nag va-vaccinate ‘yung Department of Health (DOH), pipili tayo ng participants doon na susundan natin ‘yung nangyayari sa kanila after the vaccination after a year or so.”

“We expect that every quarter there will be milestones. Every quarter puwede kaming magreport (We can release reports every quarter),” dagdag pa ng opisyal.

Inaasahang aarangkada ang nasabing pag-aaral sa Hunyo kabilang ang 1,000 participants, subalit posible pa itong magbago depende sa aaprubahang ressearch design.

LATEST

LATEST

TRENDING