Malacañang, iginiit na hindi puwedeng ipahinto ng DENR ang ‘Dolomite beach’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Sinabi ng Malacañang noong Lunes na ang makeover ng Manila Bay sa pamamagitan ng dinurog na dolomite ay dapat tapusin, bagama’t may mga ulat na nawa-wash out umano ang mga artipisyal na buhangin sa dagat.

Matagal na umanong naglaan ng pondo para sa nasabing proyekto ang Department of Environment and Natural Resouces (DENR), ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Pupuwedeng ma-realign ang ilang mga pondo na hindi pa po siya naa-align for a specific purpose. Pero ito po, completely bidded out and partially executed, so kinakailangan pong tapusin iyan,” paliwanag ni Roque sa isang press briefing. 
 
Samantala, hinikayat naman ng Oceana Philippines ang DENR na utusan ang contractor nito upang ipahinto ang pagbubuhos ng karagdagang dolomite sand sa Manila Bay, at sa halip ay ilaan ang pondo para sa Covid-19 response.

Ayon sa grupo, nilamon umano ng dagat ang ibinuhos ng dolomite noong nakaraang taon.

Sinabi naman ng DENR na naglagay sila ng “geotubes” sa lugar upang mapanatili ang dolomite, kung saan “masyado pang maaga” umano para sabihin kung naanod nga ba ang buhangin.

LATEST

LATEST

TRENDING