Robredo, isinusulong ang multilateral talks upang resolbahin ang West PH Sea isyu

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Vice President Leni Robredo

Iminungkahi noong Linggo ni Vice President Leni Robredo ang pagsasagawa ng “multilateral talks” upang solusyunan ang sigalot sa West Philippine Sea, sa halip na maglunsad ng bilateral talks sa pagitan ng China at Pilipinas.

Ayon kay Robredo, ang ideya ng multilateral talks ay isinusulong ng mga dalubhasa, sapagkat malalagay lamang umano sa alanganin ang Pilipinas sakaling pumasok ito sa bilateral talks sa China.

“Kapag bilateral kasi, parang nagnenegotiate ka sa isang inferior na posisyon dahil maliit ka,” ani Robredo sa DZXL radio.

“Kaya ang pinupush sana natin, multilateral talks.”

“Pag sinabing multilateral talks, hindi lang Pilipinas saka China iyong mag-uusap pero Pilipinas, China, saka iba pang mga bansa na nagsheshare ng ating isyu o pareho iyong concern sa atin,” paliwanag ng Pangalawang Pangulo.

“Kahit si Presidente sinasabing, ano ba naman iyong laban natin, parati niyang sinasabi na ano iyong laban natin, kulang tayo sa resources, kulang tayo sa etcetera,”

“Ito din iyong dahilan, actually. Eto din iyong dahilan kung bakit iyong multilateral talks mas makakatulong para i-protect iyong interest natin kaysa bilateral lang,” dagdag pa ni Robredo.

LATEST

LATEST

TRENDING