Duterte, iginiit na walang papanigan sa sigalot ng US at China

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Biyernes na walang papanigan ang Pilipinas sa nagaganap na nagaganap na “big power competition” at hinikayat ang malalaking bansa na huwag pagsamantalaan ang mga maliliit na bansa.

Sa ginanap na Nikkei Future of Asia conference online, nanawagan din ang Pangulo para sa kooperasyon ng mga bansa sa laban kontra Covid-19, kabilang ang patas na access para sa mga bakuna.

“We are not blind to the geopolitics of diversification and decoupling. However, the Philippines does not see the need to take sides in the ongoing geo-economic competition among big powers,” ani Duterte sa isang recorded speech, kung saan tinutukoy nito ang Estados Unidos at China.

Idiniin din ng Pangulo na kinakailangang resolbahin ang mga hidwaan nang “mapayapa” at “naaayon sa international law.”

Aniya, “Great powers must resist the temptation to pursue interests at the expense of smaller countries, in plain defiance of international law.”

“The pandemic has shown us that zero-sum approaches are self-defeating and ultimately futile. What hurts one ends up hurting everyone else,” dagdag pa ni Duterte.

LATEST

LATEST