DENR, hindi pa sigurado kung inaanod ang dolomite sand mula sa Manila Bay

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
DENR Undersecretary Benny Antiporda sa “Dolomite Beach”
Kuha ni: Edd Gumban (The STAR)

Hindi pa nakatitiyak ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung inaanod nga ba ang itinambak na dolomite sand sa Manila Bay, ayon kay DENR Undersecretary Jonas Leones.

Sinabi ng opisyal na hindi pa tapos ang proyekto ng dolomite kung saan naglagay din ang pamahalaan ng “geotubes” upang hindi anurin ang artipisyal na buhangin.

Aniya, “We have put in place ‘yong mga geotubes to ensure na ‘di mawa-wash out ‘yong mga dolomite. Siguro too early to say na nag-wash out na siya.”

Ito ay matapos ihayag noong Abril ng civil society organization na Oceana Philippines na inaanod na ang dolomite sa Manila Bay.

“From December 2020 to February 2021, this dolomite beach has eroded by at least 300 square meters. They are refilling it again and even extending the area,” giit ni Oceana Vice President Gloria Ramos.

Subalit, normal lamang umano ang pangyayaring ito ayon kay Leones.

“Even in ordinary beaches talaga namang nage-erode nang kaunti so ‘yon nga ‘yong mine-maintain sa beaches, ‘yong coastal resorts natin, ‘yan ‘yong ginagawa natin,” depensa ng opisyal.

Ang pagsapit ng tag-ulan din umano ang magiging batayan kung epektibo nga ba ang mga inilagay na “geotube” upang mapanatili ang mga buhangin.

“Gusto natin mag-rainy season na dahil para once and for all we can see and evaluate kung talagang effective ‘yong ating beach nourishment. Pinag-aralan namin yan and we are confident na kahit bagyuhin ‘yan, kahit anong ulan man, nandiyan pa rin ‘yong beach nourishment,” wika ni Leones.

LATEST

LATEST