CHED, idiniing hindi na babalik sa tradisyunal na face-to-face classes sa pagpapatupad ng ‘flexible learning’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
CHED Chairman Prospero de Vera

Hindi na babalik sa tradisyunal na face-to-face classes ang mga unibersidad at kolehiyo sa bansa, kasabay nang pagpapatupad ng Commission on Higher Education (CHED) ng palisiya upang ipagpatuloy ang flexible learning para sa darating na mga taon.

Ang pagbabalik umano ng back face-to-face classes ay makapag-e-expose sa stakeholders sa parehong “banta” sakaling magkaroon muli ng bagong pandemiya, giit ni CHED Chairman Prospero de Vera noong Biyernes.

“From now on, flexible learning will be the norm. There is no going back to the traditional, full-packed face-to-face classrooms. The commission has adopted a policy that flexible learning will continue in School Year 2021 and thereafter,” diin ni De Vera sa isang webinar.

“What will happen is a flexible system where universities will mix and match flexible learning methods appropriate to their situation.”

“The more prepared universities will continue investing and moving ahead using online platforms. Others will be allowing some of their students to come back at specific periods and do more synchronous versus asynchronous learning,” paliwanag nito.

Ayon kay De Vera, magkakaroon ng transisyon mula sa exam-based system na nakadepende sa knowledge creation tungo sa group work at project o task-based systems sa pagdetermina kung paano gagraduhan ang mga mag-aaral.

Hindi na rin umano magiging “sole source of knowledge” ang mga textbooks.

LATEST

LATEST

TRENDING