IATF, pinayagan ang hanggang sa 30 percent capacity ng religious gatherings sa NCR Plus

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Pinayagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) hanggang sa dulo ng buwan ang pagtaas sa kapasidad ng religious gatherings sa NCR Plus na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Unang itinakda ng IATF ang kapasidad ng religious gatherings sa 10 percent ng venue capacity sa NCR Plus area, na kasalukuyang nasa ilalim ito ng general community quarantine with “heightened restrictions” hanggang Mayo 31.

Sa pagpupulong noong Huwebes, pinahintulutan ng IATF ang hanggang sa 30 percent ng venue capacity ang religious gatherings sa NCR Plus hanggang sa dulo ng buwan, ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, na miyembro ng IATF.
 
“Pero iyan po ay pinaubaya sa mga lokal na pamahalaan,” pagkumpirma naman ni Malacañang at IATF spokesman Harry Roque hinggil sa bagong kautusan.

“Kinakailangan ang mag-authorize ng 30 percent ay mga lokal na pamahalaan,” dagdag pa ni Roque. 

LATEST

LATEST

TRENDING