DOH: A4, indigent population vaccination limitado muna sa NCR, 8 na iba pang lugar

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Lisa Marie David (Reuters)

Sinabi ng Department of Health (DOH) noong Miyerkules na ang vaccination program para sa mga manggagawa ng essential industries at mahihirap na pamilya ay unang lilimitahan sa Metro Manila at sa 8 na iba pang lugar na may mataas na Covid-19 cases.

Ang expansion ng nasabing vaccination program ay aarangkada sa National Capital Region, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Pampanga, Rizal, Metro Cebu at Metro Davao, ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje.

Aniya, “Ico-concentrate natin sa geographic areas kung saan nandoon ‘yung surge ng cases.”

“Naka-focus muna sa NCR plus 8 [areas] kasi doon muna ang buhos natin [ng bakuna],” dagdag pa ng opisyal.

Pinag-aaralan din ng ahensya ang pagbabakuna ng mga opisyal na kabilang sa voter registration, at mga tatao sa polling precincts sa 2022 national elections.

LATEST

LATEST

TRENDING