Herd immunity sa NCR sa loob ng 2 buwan, posibleng maabot sa 300,000 doses kada araw: OCTA

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: The Straits Times

Posibleng maabot ng Metro Manila ang herd immunity kontra Covid-19 nang hindi aabot sa dalawang buwan kung 300,000 doses ang ituturok kada araw, ayon sa OCTA Research noong Miyerkules.

Iginiit ni OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco O.P. na dapat 9.66 milyong adults, o 70 percent ng tinatayang nasa 13.8 milyong Pilipino sa Metro Manila, ang dapat mabakunahan upang makamtan ang herd immunity sa rehiyon.

“For herd immunity, if we are going to vaccinate 100,000 doses per day, it would take 6 months, 200,000, three months, and 300,000, one a half months,” paliwanag nito.

“If we want to achieve herd immunity in the NCR by Christmas, the target has to be around 200,000 doses per day in the NCR,” dagdag pa ni Austriatico.

Samantala, sinabi rin ni Austriatico na dapat mabakunahan ang nasa 6.21 milyong katao o 45 percent ng populasyon ng Metro Manila, upang masugpo ang paglaganap ng Covid-19 sa rehiyon.

Posible umano itong maisakatuparan sa loob ng apat na buwan kung 100,000 doses ang ituturok bawat araw; dalawang buwan kung 200,000 doses kada araw; at isang buwan kung 300,000 doses kada araw.

Sa kasalukuyan, 65 percent ng vaccine supply ng bansa ay binibigyan ng prayoridad sa NCR, habang 35 percent naman ang nasa nalalabing bahagi ng bansa.

Aniya, “Simply by increasing the percentage of vaccines we send to the NCR, we will be able to decrease the overall caseload of the pandemic.”

LATEST

LATEST

TRENDING