Red Cross, magbebenta ng Moderna Covid-19 vaccines sa presyong P3,500

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Inanunsyo ng Philippine Red Cross (PRC) noong Lunes na magbebenta ito ng Moderna Covid-19 vaccines sa halagang P3,500 para sa dalawang doses.

Tinatayang nasa 200,000 doses mula sa Moderna ang inaasahang darating sa susunod na buwan, ayon kay PRC chairman Sen. Richard Gordon.

“If we are going to wait for the [government’s] vaccines to come, mahuhuli,” giit ni Gordon.

“Those of you who cannot wait, you pay P3,500 and that’s 2 doses already,” dagdag pa nito.

Kumalap din ang PRC ng mga bakuna mula sa AstraZeneca, subalit sa susunod na taon pa darating ang mga ito.

“With India tightening the [vaccine supply] line, mahirap,” ani Gordon.

Bagama’t inaasahan ang pag-arangkada ng PRC vaccination program, tutol naman si Gordon sa mass vaccination program.

Aniya, “I’m afraid of mass vaccinations… Lilinya yung mga tao, maghahawa-hawa yan.”

“What you need is more vaccination centers na supervised… You cannot vaccinate 30,000 in one area only. I think it is gonna cause a lot of problems,” dagdag pa nito.

Samantala, nauna namang inaprubahan ng pamahalaan ang pagtatayo ng isang mega vaccination site sa Parañaque City upang pabilisin ang vaccination rate ng bansa, na nasa 63,000 kada araw.

LATEST

LATEST

TRENDING