UP, Robredo nanawagan ng donasyon para sa nasunugang PGH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: BFP-Manila

Nanawagan si Vice President Leni Robredo at ang University of the Philippines noong Linggo ng mga donasyon para sa Philippine General Hospital (PGH), ang pinamakaling Covid-19 referral hospital sa bansa, matapos matupok ng apoy ang bahagi nito, kung saan naapektuhan ang ilang pasyente.

Umapela si Robredo para sa mga mayroong “big, industrial fans who would be willing to lend them.”

“PGH urgently needs them to dissipate the smoke that enveloped the hospital due to the fire. Thank you,” ani Robredo sa isang tweet.

Nangangailangan umano ang PGH ng tubig, pagkain, at face masks, ayon naman sa UP Office of the Student Regent. Tumatanggap aniya ito ng in kind donations at cash.

Para sa mga gustong magpaabot ng tulong sa pamamagitan ng UP Manila, ang mga in-kind non-food donations ay puwedeng i-drop off sa Nurses Home o makipag-ugnayan sa 0917-772-3947.

Ang mga pagkain ay puwede namang i-deliver sa PGH ORTOLL Reproductive Center at i-ugnay kay Dr. Michael Castillo (0956-592-8892) o kay Emelita Lavilla (0922-831-8994).

Ang cash donations ay maaaring ipadala sa cashier-on-duty na si Rose Acabado (02-8554-0440 local 2016) upang mabigyan ng official receipts, dagdag pa ng UP.

Ang online cash donations naman ay maaaring ipadala sa account ng PGH sa Development Bank of the Philippines: 00-0-05028-410-8.

Ang mga donors ay inaanyayahang mag-email sa cash.uppgh@up.edu.ph kapag naipadala na ang donasyon, ayon sa UP. Maaari rin silang makipag-ugnayan sa Bayanihan Na operations center sa 155-200.

LATEST

LATEST

TRENDING