Duterte, sinabing magiging ‘comedy’ lamang ito kung hihingi ng tulong sa UN hinggil sa West PH Sea isyu

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging “comedy” lang umano siya kung humingi ng tulong sa United Nations (UN) para solusyunan ang sigalot sa pagitan ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea.

Noong 2016, ibinasura ng isang korteng may kaugnayan sa UN ang panghihimasok ng China sa West Philippine Sea. Subalit, ayon kay Duterte noong nakaraang linggo, isa lamang umano itong piraso ng “papel” na puwedeng itapon sa basurahan.

“Ano pang papel gusto niyo, papuntahin ako doon sa… kailan pa ba naging useful ‘yang United Nations?” ani Duterte sa isang taped speech noong Huwebes at Biyernes.

“Saan ako magpunta? To what body, the United Nations? Please, spare me the… maging comedy lang ako d’yan,” dagdag pa ng Pangulo.

Binanggit ni Duterte ang nasabing pagkapanalo sa arbitration court sa UN sa kanyang unang speech sa UN General Assembly noong Setyembre 2020.

Samantala, naunang hinikayat naman ni Retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio si Duterte na hingin ang tulong ng ibang bansa upang himukin ang China na sundin ang arbitral ruling.

Pinuna naman ng isang government task force nitong linggo ang panghihimasok ng China sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa, kung saan 287 maritime militia vessels mula China ang namataan sa lugar.

LATEST

LATEST

TRENDING