Duterte, iginiit na hindi ‘aatras’ sa China kahit ‘patayin’ pa umano siya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Matapos umani ng pambabatikos tungkol sa kanyang pagbubunyag na ang kanyang naging pahayag noong panahaon ng kampanya ay isa lamang “joke,” nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa China na hindi niya babawiin ang mga barko ng Pilipinas mula sa pinag-aagawang mga teritoryo kahit pa patayin umano siya.

Sa isang taped speech noong Biyernes, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na mayroong dalawang barko ang Pilipinas sa West Philippine Sea, na nagpapatrolya sa Kalayaan islands at Mischief Reef. 

“I’d like to put notice sa China. May 2 barko ako d’yan… I am not ready to withdraw,” giit ni Duterte.
 
Hindi umano babalik ang nasabing mga barko “an inch backward.”

“Hindi talaga ako aatras. Patayin mo man ako kung patayin mo ako, dito ako. Dito magtatapos ang ating pagkakaibigan,” diin ng Pangulo.

Ito ay ilang araw lamang matapos madismaya sa Pangulo ang isang mangingisda sa Infanta, Pangasinan nang linawin ni Duterte na ang kanyang naging pahayag noong 2016 campaign hinggil sa pagje-jet ski patungong Spratly Islands ay isa lamang umanong “pure joke.” 

LATEST

LATEST

TRENDING