
Inihayag ng negosyanteng si Enrique Razon noong Huwebes na makatatanggap ang pribadong sektor ng 70,000 Covid-19 vaccines mula sa Moderna sa susunod na buwan, na kumakatawan sa 1 percent ng kabuuang 7 milyong bakuna na in-order ng pribadong mga kumpanya mula sa nasabing pharmaceutical giant.
Sinabi ng Moderna na darating ang mga bakuna nito sa linggo ng Hunyo 21, ayon kay Razon.
“As soon as it arrives, we want to start inoculation right away,” ani Razon.
Nagbayad na ang pribadong sektor ng $93 milyon (P4.45 bilyon) para sa nasabing mga bakuna.
“The government will have to pay more because the government’s order is 13 million [jabs],” dagdag pa ng negosyante. Unang pinayagan ng gobyerno ang pribadong sektor na pumasok sa tripartite agreement upang makapag-procure ng mga bakuna para sa kanilang mga empleyado