
Isinailalim noong Huwebes ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna, na kumakatawan sa National Capital Region Plus, sa general community quarantine “with heightened restrictions” simula Mayo 15 hanggang Mayo 31, 2021.
Sa isang briefing kasama ang Pangulo at mga miyembro ng Gabinete, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isasailalim din sa GCQ ang mga sumusunod na lugar sa parehong panahon:
- Apayao
- Baguio City
- Benguet
- Kalinga
- Mountain Province
- Abra
- Cagayan
- Isabela
- Nueva Vizcaya
- Batangas
- Quezon
- Puerto Princesa
- Iligan City
- Davao City
- Lanao del Sur
Samantala, ang mga sumusunod na lugar ay iasasailalim naman sa modified enhanced community quarantine:
- City of Santiago
- Quirino
- Ifugao
- Zamboanga City