
Nasa 15,000 na karagdagang doses ng Sputnik V Covid-19 vaccine mula Russia, ang dumating sa bansa noong Miyerkules.
Ito ang ikalawa o follow-up dose mula sa unang 15,000 doses na nai-deliver sa bansa noong Mayo 1.
Ang nasabing unang batch ay ipinamahagi sa Manila, Makati, Taguig, Parañaque, at Muntinlupa.
Ang Sputnik V, na ginawa ng Gamaleya Institute sa Russia, ay dapat ilagak sa madilim na lugar kung saan hindi lalagapas nang -18ºC ang temperatura nitos.
Nitong linggo, inihayag naman ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na ongoing pa rin ang negosasyon para sa pagkalap ng dalawa pang milyong doses ng Sputnik V vaccine.