Rabiya Mateo, aksidenteng nahulog sa swimming pool sa gitna ng photoshoot ng Miss Universe

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: Aces and Queens Facebook page

Hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa isinagawang photoshoot ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo para sa Miss Universe pageant.

Aksidenteng nahulog ang Ilongga beauty sa swimming pool sa gitna ng photoshoot. Subalit, tinawanan lamang nito ang pangyayari.

Sa isang video na ibinahagi ng kanyang kampo na Aces and Queens, pinag-usapan ni Mateo ang kanyang pagkahulog sa swimming pool.

Aniya, “A lot of things happened, first of all, I accidentally fell in the pool. So I got half of my outfit wet and then I almost lost my diamonds.”

Gayunpaman, makikitang tinawanan lang ni Mateo ang pangyayari habang sinusubukang makaahon mula sa pool.

LATEST

LATEST