IATF, isinailalim sa MECQ hanggang Mayo 23 ang Cagayan, Apayao, at Benguet

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Isinailalim ng Inter-agency task force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang mga lalawigan ng Cagayan, Apayao, at Benguet pabalik sa modified enhanced community quarantine (MECQ) sa loob ng dalawang linggo, epektibo simula Lunes.

Hindi naman sakop sa bagong klasipikasyon ng quarantine ang Baguio City, ayon sa isang officer ng Presidential Communications.

Ito ay alinsunod umano sa naging rekomendasyon ng isang screening at validation committee, ayon sa task force.

“The risk-level classifications of the aforementioned provinces shall be without prejudice to their reclassification as may be warranted and the declaration of localized Enhanced Community Quarantine in critical areas,” pahayag ng resolusyon.

Kabilang sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ hanggang Mayo 14 ang Metro Manila, Bulacacn, Cavite, Laguna, at Rizal.

LATEST

LATEST

TRENDING