OCTA, nabahala sa pagsipa ng Covid-19 cases sa ilang lungsod

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Aaron Favila (AP Photo)

Tinukoy ng independent research group na OCTA noong Linggo ang ilang mga lungsod bilang mga “areas of concern” matapos makaranas ng pagsipa sa bilang ng Covid-19 cases.

Kabilang na rito ang Puerto Princesa, Cagayan de Oro, Zamboanga City, at Bacolod, ayon kay OCTA Research fellow Guido David.

Aniya, “Based on history, nakikita natin na itong smaller LGUs (local government units), mas mabilis nila nako-control ang situation. ‘Di pa naman necessarily alarming ito.”

Bumaba na ang arawang bilang ng kaso sa National Capital Region sa average na 2,100 mula sa peak na 5,500.

Ang Kalakhang Maynila ay mayroong virus reproduction rate na 0.67, at weekly growth rate na -27 percent, aniya.

“We anticipate by next week, by May 14, baka less than 2,000 cases na yan,” dagdag pa ni David.

Ipinanawagan naman nito ang dahan-dahang pagpapaluwag ng quarantine restrictions sa NCR Plus bubble.

Aniya, “Maganda, habang nagde-deploy tayo ng vaccines, i-maintain natin ang trend na mababa ang cases para di tayo magkaroon ng surge.”

LATEST

LATEST

TRENDING