Eleazar, ipinag-utos ang paghahanda ng detention facilities para sa mask violators

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar noong Sabado sa kapulisan na ihanda ang detention facilities alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang mga taong hindi maayos ang pagsusuot ng face masks.

Ayon kay Eleazar, dapat ding obserbahan ang physical distancing sa mga detention cells, kung saan puwedeng makulong nang hanggang 12 oras ang mga lalabag kung walang isasampang kaso laban sa kanila.

Ipinag-utos din ng bagong PNP chief sa mga pulis na obserbahan ang “maximum tolerance in arresting violators and warned them against abusive behavior.”

“One of the concerns that need to be addressed is the availability of our detention cells. Alam naman natin na bago pa ang direktibang ito ng ating Pangulo, may mga pagkakataong kinukulang na talaga ang ating mga pasilidad kung kaya’t dapat natin itong paghandaan,” pahayag ni Eleazar noong Linggo.

“Makipagtulungan tayo sa mga lokal na opisyal, kasama ang barangay, para malaman natin kung aling mga lugar sa bawat komunidad ang maaari nating gamiting detention facilities para sa mga sadyang pasaway,” dagdag pa ng PNP chief.

Ayon naman kay Vice President Leni Robredo, dapat turuan ang mga lalabag ng wastong pagsusuot ng face masks at iba pang posibleng penalties sa halip na ikulong.

Nagbabala naman ang Commission on Human Rights at mga miyembro ng Makabayan bloc sa Kongreso na maaaring makapagdulot ng paglabag sa karapatang-pantao ang naturang utos ng Pangulo.

“We may be in quarantine due to the pandemic, but rights should not be on lockdown,” wika ni CHR spokesperson Jacqueline Ann de Guia.

LATEST

LATEST

TRENDING