Paggamit ng AstraZeneca vaccines para sa mga edad 60 pababa, muling pinayagan ng DOH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Inihayag ng Department of Health (DOH) noong Biyernes na maaari nang makapagbakunang muli kontra Covid-19 ang mga local government units (LGUs) gamit ang AstraZeneca vaccines para sa mga edad 60 pababa, dahil wala umanong naiulat na kaso ng post-vaccination blood clotting sa bansa.

Naunang sinuspinde ng ahensya ang paggamit ng nasabing brand para sa mga Pilipinong edad 60 pababa matapos iulat ng ilang mga bansa ang insidente ng blood clotting matapos mabakunahan.

“To date, no local VITT (vaccine-induced thrombosis and thrombocytopenia) events have been confirmed,” pahayag ng DOH.

“It was concluded that there are currently no known risk factors for VITT and that the benefits of receiving the vaccine against COVID-19 still outweighs the risk,” dagdag pa ng ahensya.

Bagama’t hindi pangkaraniwan ang blood clotting, nag-isyu ng guidelines ang DOH upang “mabawasan” ang risks dito.

“All vaccination sites should have a strengthened post-vaccination surveillance to spot possible adverse events following immunization,”diin ng ahensya.

“All health care workers in vaccination sites will be trained to detect and manage possible symptoms of VITT and refer them accordingly to the appropriate health facility for definitive work-up and management,” dagdag pa nito.

Nakatakdang makatatanggap ang bansa ng karagdagang 1.3 milyong doses ng AstraZeneca sa Hunyo sa pamamagitan ng mga in-order ng pribadong sektor.

LATEST

LATEST

TRENDING