IATF, pinayagang lumabas ng bahay ang mga edad 15-17 upang makapagparehistro sa nat’l ID system

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Pinahintulutan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) noong Biyernes ang mga edad 15-17 na umalis ng kanilang mga bahay para makapagparehistro sa national ID system. 

Pinapayagan din ang mga edad 65 pataas na makapagparehistro sa Philippine Identification System, sabi ni IATF Spokesperson Harry Roque.

Unang ipinag-utos ng IATF na manatili sa mga tahanan ang mga edad 18 pababa at 65 pataas, maliban na lamang kung magtatrabaho o bibili ng mga importanteng bilihin.

Noong Abril, hindi bababa sa 28 milyong Pilipino na ang nagparehistro para sa national ID, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority.

LATEST

LATEST

TRENDING