12 Filipino seafarers galing India, nagpositibo sa Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: Philippine Coast Guard Facebook page

Isang all-Filipino crew sakay sa isang barko galing India ang tumatanggap ng atensyong medikal matapos higit kalahati sa mga ito ang nagpositibo sa Covid-19, kabilang ang dalawang manlalayag na kritikal ang kondisyon.

Iniulat ng maritime sector ng Department of Transportation noong Biyernes na umalis ang MV Athens Bridge mula India noong Abril 22. Nang dumating ito sa Vietnam noong Mayo 1, napag-alamang 12 mula sa 21 Pilipinong crew members nito ang nagpositibo sa Covid-19 matapos sumailalim sa RT-PCR tests.

Nakatanggap ng request ang Philippine Coast Guard noong Huwebes mula sa kapitan ng barko – na nakaangkla malapit sa Corregidor – na i-evacuate ang dalawa nitong crew members na nasa kritikal ang kalagayan.

Dinala naman ang mga ito kinalaunan sa isang treatment facility.

Ang natitirang miyembro ng crew ay kasalukuyang naka-quarantine sa loob ng barko kung saan binigyan ang mga ito ng medical supplies.

LATEST

LATEST

TRENDING